Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP sa Toril, Davao City nito lamang Abril 25, 2023.
Kinilala ni Police Major Jonnel Bonguyan, Station Commander ng Eden Police Station, ang suspek na si alyas “Arzel”, 18, residente ng Brgy. Tungkalan, Toril, Davao City na tinaguriang Most Wanted Person.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10883 o Anti-New Carnapping Law na may Php300,000 piyansang inirekomenda.
Nanawagan naman si PMaj Bonguyan sa mga mamamayan na makipagtulungan sa pulisya upang mahuli ang mga wanted persons at makamit ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/RPCADU11