Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP sa Purok 1 Brgy. San Isidro, Davao City, noong Hunyo 20, 2023.
Kinilala ni Police Major Robel Saavedra, Acting Chief of Police ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Bernie”, 33, residente ng Brgy. Tibungco Davao City na tinaguriang Most Wanted Person sa lugar.
Ayon kay PMaj Saavedra, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga tauhan ng Bunawan PS katuwang ang Digos CPS sa kasong 5 Counts ng Qualified Theft na may piyansang inirekomenda na Php170,000.
Nagpaalala naman si PMaj Saavedra na maging mapagmasid sa kapaligiran at magsumbong sa kanilang himpilan kung may makitang kahina-hinalang pangyayari.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara