Davao del Norte – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng Sto. Tomas PNP sa Brgy. New Pandan, Panabo City, Davao del Norte, noong Pebrero 14, 2023.
Kinilala ni Police Major Rodante Varona, Acting Chief of Police ng Sto. Tomas Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ryan”, 35, residente ng Brgy. Tibal-og, Santo Tomas, Davao del Norte na tinaguriang Most Wanted Person sa lugar.
Ayon kay PMaj Varona, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery with Homicide na walang piyansang inirekomenda na inihain ng pinagsamang tauhan ng Sto. Tomas MPS katuwang ang Panabo CPS.
Ang PNP ay patuloy sa pagtugis sa mga wanted person sa pamamagitan ng Manhunt Charlie Operation upang magkaroon ng kapayapaan tungo sa kaunlaran ang bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara