Davao del Norte – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga awtoridad sa Brgy. Lunga-og, Santo Tomas, Davao del Norte nito lamang Hunyo 1, 2023.
Kinilala ni Police Major Rodante Varona, Acting Chief of Police ng Sto.Tomas Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Daniel”, 18, residente ng nasabing lugar.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang piyansang inirekomenda.
Ang Santo Tomas PNP ay patuloy sa adhikain na mahuli at managot ang mga taong may sala sa batas upang makamit ang kaayusan at katahimikan ng ating pamayanan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/RPCADU11