Tututukan ng bagong talagang Chief Executive Senior Police Officer (CESPO) ng Philippine National Police na walang iba kundi si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Louie Salvador Makilan ang ‘morale and welfare’ ng ating mga pulis lalo na ang mga Police Non-Commissioned Officers (PNCOs).
Kamakailan ay naging panauhin natin ng Live sa Studio sa programang “Pulis at Your Serbis” sa himpilang DWIZ 882 Khz AM kasama ang inyong abang lingkod bilang program anchor, sinabi ni PEMS Louie Makilan na kanyang tututukan ang kalagayan ng ating mga PNCOs lalo na ang pagsusulong nito ng mga “Guidance and Directives of the Chief PNP” na si PGen Dionardo Bernardo Carlos lalo na at majority sa ating pulis ay mga PNCOs.
Binigyan-diin ni PEMS Makilan ang pagkakaroon ng 3Ds para sa ating mga pulis o ang “Discipline, Decorum, at Distinction”. Bilang mga pulis anya ay napakahalagang sumunod sa mga kautusan at direktiba ng ating Chief PNP lalo na ang kanyang mga programa. Marapat lamang anya na maging Disiplinado ang ating mga pulis sa lahat ng aspeto, ganoon din ang proper Decorum o tamang pag-uugali, pagsasalita, at tamang bihis para maging isang huwaran at kapita-pitagang pulis, at siyempre pa ang Distinction o pakikitungo sa ating mga kapwa pulis lalo na ang ating mga Senior Officers. Napakahalagang pairalin anya ang pagtanaw ng respeto o Seniority sa ating mga nakatatanda lalo na sa ating Organisasyon sa Pambansang Pulisya.
Kasama ang ating bagong CESPO sa delegasyon ni Chief PNP sa kanyang Official Command Visit sa iba’t-ibang mga Police Regional Offices sa bansa. Layon nito ay upang personal na makita at makausap ang ating mga PNCOs doon, at kung anu-ano ang kanilang mga kalagayan, saloobin, at suliranin na kinakaharap sa kani-kanilang lugar. (PEMS Eric B Fernandez, PNP PIO).
####