Eastern Samar – Nagsagawa ang Taft Municipal Police Station ng Mobile Storytelling sa mga mag-aaral ng Malinao Integrated School sa Brgy. Malinao, Taft, Eastern Samar nitong Marso 3, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Angelyn Glou Cortado, Officer-In-Charge ng Taft MPS kasama ang mga tauhan nito.
Ibinahagi sa mga Grade 1 at Grade 2 pupils ang isang maikling kwento na mayroong magandang aral na makukuha tulad ng mabuting asal, tamang pag-uugali, at paggalang sa mga nakatatanda.
Bukod pa rito, binigyan din sila ng mga coloring book at krayola sa pagtatapos ng aktibidad.
Nagpapasalamat naman sina G. Reuben Alido, School Principal at Class Adviser ng Grade 1 at Grade 2 sa ating mga kapulisan sa isang magandang gawain na ito para sa mga kabataan.
Patuloy naman ang PNP sa kanilang pagpupursigi na ilapit ang kalooban ng publiko sa pulisya lalong lalo na sa mga kabataan.