Quezon City – Matagumpay na naisagawa ng Police Community Affairs and Development Group ang Mobile Blood Donation Activity na ginanap sa Philippine Blood Center (PBC) sa Quezon Avenue, Quezon City nito lamang Biyernes, Disyembre 1, 2023.
Pinangunahan ng mga tauhan ng PCADG mula sa Community Assistance and Development Division ang naturang aktibidad katuwang ang Philippine Blood Center (PBC) na nagbigay ng assistance sa mga dumalo.
Humigit-kumulang 175 na kapulisan na nagmula sa Kampo Crame, NCRPO, at SAF, ang boluntaryong nagdonate ng kanilang dugo.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapunan ang kakulangan sa dugo sa hospital na pwedeng magamit sa oras ng pangangailangan ng mamamayan kabilang na ang mga kapulisan at ng kanilang mga mahal sa buhay.
Source: PCADG-Community Assistance and Development Division