Saturday, October 19, 2024

MOA signing sa pagitan ng PNP at Battle Against Drugs, pormal na isinakatuparan sa Kampo Crame

Pormal na isinakatuparan ang signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pambansang Pulisya at ng Battle Against Drugs kasabay sa ginanap na Traditional Monday Flag Raising Ceremony nitong umaga ng Nobyembre 14, 2022 sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.

Pinangunahan ang programa ni PNP Chief Police General Rodolfo S Azurin Jr kasama ang iba pang mga matataas na opisyal ng PNP at ng mga miyembro ng Battle Against Drugs sa pangunguna ni Dr. Danilo I. Bornales, Founder at President ng Battle Against Drugs na siya ring Guest of Honor and Speaker sa nasabing kaganapan.

Bahagi ang naturang Memorandum of Agreement sa patuloy na pakikipagtulungan ng PNP sa iba’t ibang organisasyon at mga ahensya ng pamahalaan upang tuldukan ang problema patungkol sa ipinagbabawal na droga sa buong bansa.

Ang Battle Against Drugs o B.A.D. ay isang Faith-Based Non-Government Organization na may layuning tumulong at maging kaagapay ng pamahalaan sa paglaban sa ilegal na droga at sa pagkamit ng bansang ligtas sa mga masasamang epekto ng ipinagbabawal na droga.

Ang naturang NGO ay kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan gaya ng DepEd, CHED, DOH, PDEA, at DILG.

Nag-iwan din si Dr. Bornales ng matapang na kataga, aniya: “Pilipinas, My Country! My duty, to make it drug free!”

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles