Camp Crame, Quezon City — Lumagda ng Memorandum of Agreement ang PNP at Eye Bank Foundation of the Philippines, Inc. nito lamang Lunes, Oktubre 17, 2022 sa Camp Crame, Quezon City bilang pagsasanib pwersa at pagpapatuloy sa misyon nito na maghatid ng pag-asa sa mga taong bulag na nangangailangan ng cornea transplant.
Kasabay nito ang Traditional Flag Raising Ceremony, pagkilala sa Forensic Group bilang ISO certified at presentasyon ng Plaque of Appreciation kay Mrs. Francia Samson, ina ng yumaong pulis na si PLt Reynaldo Samson na na-ambush sa Ampatuan, Maguindanao.
Pangunahing pandangal naman ang Founding President ng Eye Bank Foundation of the Philippines, Inc na si Dr. Ma. Dominga Cecilia B Padilla kung saan kanyang hinikayat ang pulisya na maging aware sa mga donor card na dala-dala ng ating mga kababayan lalo na ang mga naaaksidente na binabawian ng buhay na kanilang dinedeklara na e-dodonate nila ang kanilang mga cornea kapag sila ay sumakabilang buhay.
Hinikayat rin nya ang mga miyembro ng PNP na pwede rin silang mga donor at e-extend ang kanilang kabayanihan at pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagkakaroon din ng donor card.
Samantala, ang pag-rerenew ng MOA ng Eye Bank Foundation of the Philippines sa pagitan ng PNP ay isang pakikipagtulungan at pagrere-connect sa pulisya upang marami pang mga Pilipino ang kanilang matulungang makakita at mabuksan ang pinto ng pag-asa sa kanilang buhay.