Boluntaryong nagbalik-loob sa gobyerno ang isang miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) sa Barangay Buenavista, Quinapondan, Eastern Samar nito lamang Marso 17, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marino Azur G Estonio, Force Commander ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang nagbalik-loob na si alyas “Joe”, 65 anyos, miyembro ng Batakang Organisasyong Pangpartido (BOP) sa ilalim ng pamumuno ni CTG Secretary Martin Colima @ Moki/Seloy/Badong/Antos.
Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng patuloy na panawagan at negosasyon ng 2nd Eastern Samar PMFC kasama ang Eastern Samar Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit.
Si alyas “Joe” ay nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng 2nd Eastern Samar PMFC para sa dokumentasyon at tactical interview bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Samantala, nakatanggap naman ito ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa kapulisan.
Patuloy na hinihimok ng 2nd Eastern Samar PMFC ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa gobyerno upang mamuhay ng payapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Panulat ni Patrolwoman Christine Reyna Tolledo