Tuluyan nang winakasan ng isang miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ang pagsuporta sa Communist Terrorist Group sa Barangay Mabini, Basey, Samar nito lamang ika-18 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Faith Y Aseo, Officer-In-Charge ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 ang nagbalik-loob na si alyas “Joy”, 46 taong gulang, magsasaka at miyembro ng Batakang Organisasyong Pangpartido (BOP).
Ang matagumpay na pagbabalik-loob nito ay resulta ng pursigidong panawagan at pagsisikap ng Intelligence Operatives ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang Area Police Command-Visayas, Basey Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 8, 2nd Samar Provincial Mobile Force Company at 124th SAC, 12 Special Action Battalion PNP SAF.
Ang miyembro ng UGMO ay nasa ilalim ng protective custody ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation at assessment sa posibleng enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno.
Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa iba pang miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa gobyerno, umuwi at bigyang pagkakataong makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi