Boluntaryong nagbalik-loob sa gobyerno ang isang miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar, nito lamang Marso 15, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company ang nagbalik-loob na si alyas “Elly”, 57, magsasaka, residente ng Barangay Pelaon, Pinabacdao, Samar at miyembro ng UGMO, Parag-uma SRC- Sesame.
Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng patuloy na panawagan at negosasyon ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Pinabacdao Municipal Police Station at 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Ang nasabing nagbalik-loob ay nasa ilalim ng kustodiya ng 2nd Samar PMFC para sa dokumentasyon at tactical interview bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa kapulisan
Muling hinimok ng 2nd Samar PMFC ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa gobyerno upang mabuhay ng payapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi