Saturday, January 25, 2025

Miyembro ng UGMO, balik-loob sa pamahalaan

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Underground Mass Organization sa Barangay Canticum, Calbiga, Samar nito lamang ika-25 ng Marso 2024.

Kinilala ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Rogel”, 57 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Canlobo, Pinabacdao, Samar.

Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng patuloy na panawagan at negosasyon ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, kasama ang mga tauhan ng Calbiga Municipal Police Station, 2nd Southern Provincial Mobile Force Company, 124th Special Action Company, 12 Special Action Battalion PNP-SAF.

Si alyas “Rogel” ay nasa kustodiya ngayon ng 802nd Maneuver Company para sa facilitation at assessment bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Samantala, nakatanggap naman ito ng agarang tulong na food packs mula sa kapulisan.

Patuloy na hinihimok ng 802nd Maneuver Company ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang mamuhay ng payapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles