Naging matagumpay ang negosasyon sa isang miyembro ng Communist Terrorists Group (CTG) na boluntaryong sumuko sa Maayon Municipal Police Station sa Poblacion Ilaya, Maayon, Capiz nito lamang ika-23 ng Enero 2024.
Ayon kay Police Major Syril Punzalan, Hepe ng Maayon PNP, naisagawa ng maayos ang serye ng negosasyon sa tulong at suporta ng PIT Capiz, RIU6, 3rd CMOBn, 3ID PA, 12IB PA, Intel Operatives ng Capiz 1st CPMFC at PHPT Capiz at alkalde ng Maayon na si Mayor Raymond Malapajo.
Ayon pa kay PMaj Punzalan, ang nasabing personalidad ay mula sa Communist Terrorist Group (CTG) na aktibo sa Capiz at isla ng Panay.
Ang surenderee ay naging aktibong tagasuporta, mensahero, at logistic officer ng Nonito Aguire Senior Command, Partido Political East Komiteng Rehiyon Panay mula 1980 hanggang 2019.
Nais ng sumukong rebelde na iwanan ang grupo at tigilan na ang pagsuporta sa kanilang kilusan upang mapanatag ang kinabukasan ng kanyang pamilya.
Kasabay naman ng kanyang pagsuko, tinanggap nito ang tulong mula sa tanggapan ni Mayor Malapajo at benepisyong pinansyal mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.
Ang pagtutulungan at kooperasyon ng mamamayan ay isang malaking tulong upang mas mapabilis na mawakasan ang mga grupo ng komunista sa probinsya ng Capiz.
Samantala, patuloy pa rin na nananawagan ang kapulisan na mag balik-loob na sa pamahalaan ang lahat ng nahikayat at naimpluwensyahan ng mga maling ideolohiya.
Panulat ni Pat Charmaine D Balunsat