Kusang sumuko ang isang miyembro ng NPA sa mga otoridad sa Sitio Tawit, Barangay Aurora, Pudtol, Apayao nito lamang ika-8 ng Abril 2024.
Kinilala ang sumuko na isang lalaki, 38 anyos, may-asawa, magsasaka, miyembro ng NPA sa Baryo kung saan kabilang sa Non- PSRTG na nagsisilbi sa ilalim ng West Front Committee KOMPROB Cagayan at residente ng nasabing lugar.
Kasabay ng kanyang pagbawi ng suporta sa NPA ay isinuko rin nito ang kanyang isang (1) baril na walang serial number, dalawang (2) bala ng caliber .38 na may markang U.S. Smith and Wesson.
Ang matagumpay na pagbabalik-loob ng dating NPA sa Baryo ay bunga ng puspusang pagsisikap ng mga tauhan ng 1st Apayao PMFC katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan bilang pagpapaigting sa EO 70 – NTF ELCAC ng pamahalaan.
Patuloy naman ang panawagan ng gobyerno sa iba pang mga miyembro ng NPA na sumuko na upang muling mamuhay ng payapa at makasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni Melba