Oriental Mindoro – Kusang sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army sa ating mga kapulisan ng 2nd Provincial Mobile Force Company Oriental Mindoro sa Brgy. Bagong Bayan II, Bongabong, Oriental Mindoro noong ika-11 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Anthony Ramos, Force Commander ng 2nd PMFC Oriental Mindoro, ang sumuko na si “Ka Sanya”, 39, miyembro ng NPA sa Baryo, mga labi ng KLG ICM (Ignacio C. Magadia) na nag-ooperate sa mga lugar ng Bongabong, Bansud, Gloria, at Pinamalayan.
Ayon kay PLtCol Ramos, ang pagsuko ni “Ka Sayna” ay resulta ng walang humpay na pagsisikap ng mga intelligence unit ng Oriental Mindoro PPO 2nd PMFC, sa pakikipagtulungan ng Bongabong MPS, Provincial Intelligence Unit Oriental Mindoro PPO, Regional Intelligence Division PRO 4B, 10th SAB, PNP SAF, 403rd B Maneuver Company RMFB, Alpha CMO Coy, 2CMOBn, 2ID, 76th IB, Philippine Army, 23rd MICO, 203rd BDE, lahat nasa ilalim ng Philippine Army, NICA at RID, NCR.
Ayon pa kay PLtCol Ramos, nasa ilalim na ngayon ng kustodiya at pangangasiwa ng Oriental Mindoro PPO 2nd PMFC si “Ka Sayna” para sa custodial debriefing, dokumentasyon at tulong sa pagproseso ng Enhanced Comprehensive and Local Integration Program (E-CLIP).
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus