Sa patuloy na pagsusumikap ng kapulisan na matuldukan ang kaguluhang dala ng mga teroristang grupo at sa patuloy na pagpapaabot ng mga serbisyo sa publiko lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas o GIDAS, naging paraan ito upang mamulat ang makakaliwang grupo na magbalik-loob sa gobyerno.
Patunay dito ang boluntaryong pagsuko ni alyas “Rex”, 38 taong gulang, isang magsasaka na resident ng Purok 2 Pintatagan, Banaybanay, Davao Oriental sa mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay RPSB Cluster 5 na pinamunuan ni PLt Bryan G Conson, sa ilalim ng pangangasiwa ng PCol Efren E Orlina, Provincial Director, Davao Oriental Police Provincial Office.
Si alyas “Rex” ay pumasok sa komunistang grupo mula pa noong 2010 sa ilalim ng NPA Guerilla Front Committee 14 at naging miyembro rin ng armadong grupong Self Defense Unit (SDU) bilang isang fighter.
Kasabay nito ay kanya ring isinuko ang isang (1) yunit ng two tone caliber 45 pistol na Colt Defender, na may serial number na 1375215 kasama ang dalawang (2) aluminum magazine na may laman na labing-isang (11) bala.
Napabilis ang nasabing pagsuko nito dahil na rin sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa Banaybanay Municipal Police Station na pinamumunuan ni PMaj Romie Baintin, OIC, 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PLtCol Adolfo E Eyan, FC, kasama ang mga tauhan mula sa PIU, DOPPO sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Decano J Morales, Chief, PIU, Regional Intelligence Unit (RIU) XI PIT Davao Oriental, 701st Brigade PA, 66IB PA Alpha Company, at sa suporta ni Hon. Lemuel Ian M Larcia, Provincial Board Member.
Ang nasabing sumuko at ang mga isininuko nito ay iprinisinta naman kay Davao Oriental Provincial Governor, Hon. Nelson L. Dayanghirang at itinurn-over sa 701st Brigade PA para sa custodial debriefing at tamang disposisyon.