Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng New People’s Army sa himpilan ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company Headquarters sa Barangay Ga-as, Baybay City, Leyte nito lamang Setyembre 20, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maximo M Beleo, Force Commander ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Jerome”, 32 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Consuegra, Leyte, Leyte.
Ang pagbabalik-loob ay bunga ng puspusang pagsisikap ng mga tauhan ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company kasama ang 124th Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF, Regional Intelligence Unit 8, City Intelligence Team Ormoc at Leyte Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit.
Isinuko rin ng dating miyembro ng NPA ang isang yunit ng caliber .38 na walang marka at 3 bala.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya ng 1st Leyte PMFC para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong at suporta ang ating gobyerno sa mga nais magbalik-loob sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng mga programa na naglalayong magbigay ng bagong simula sa kanilang mga buhay.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian