Occidental Mindoro – Kusang sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army sa mga kapulisan ng 1st Provincial Mobile Force Company Occidental Mindoro sa Brgy. Rumbang, Rizal, Occidental Mindoro noong ika-8 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Andres Tejerero, Force Commander ng 1st OMPMFC, ang kusang sumuko na si “Ka RJ”, 18, tubong Sitio Kastila, Brgy. Emilio Aguinaldo, Sablayan, Occidental Mindoro at dating regular na miyembro ng UU2/PLTN Mindoro MRGU na nag-ooperate sa Mindoro Island.
Si “Ka RJ” ay boluntaryong sumuko dala ang isang (1) kalibre 38 revolver na may tatlong (3) live na bala, dalawang (2) 40mm na granada, mga subersibong dokumento, at mga personal na gamit.
Ayon kay PLtCol Tejerero, ang matagumpay na pagsuko ni “Ka RJ” ay naging posible sa tulong ng mga tauhan ng Occidental Mindoro PPO Provincial Intelligence Unit, Rizal MPS, PIT Occidental Mindoro RIU 4B, 102nd SAC 10th SAB PNP-SAF, ika-405th na MC RMFB 4B, 68th IB at 4th IB, 2ID, Philippine Army, at ika-23rd MICO.
Ayon pa kay PLtCol Tejerero, si “Ka RJ” ay nasa pangangalaga na ngayon ng Occidental Mindoro PPO 1st PMFC para sa debriefing at tulong bago ma-enroll sa Enhanced Comprehensive and Local Integration Program.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy at hindi tumitigil na kampanya ng Gobyerno kontra insurhensiya at terorismo upang makamit ang isang pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus