Eastern Samar – Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng Communist NPA Terrorist sa mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Quinapondan, Eastern Samar nito lamang ika-11 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rolando C Dellezo, Acting Force Commander ng 2nd Eastern Samar PMFC, ang sumuko na si Daisy Remontigue y Cajis alyas “Dina/Bj/Dianne”, 23, magsasaka, tubong Pinabacdao, Samar at residente ng Brgy. Baras, Borongan City, Eastern Samar.
Si Daisy ay isang PSR listed at Political Instructor ng squad 2 na pinamumunuan ni alyas “Bambi”, Platoon CO ng Terzo/Apoy Platoon FC SE SRC SESAME sa ilalim ni Martin Colima alyas “Maki/Seloy/Badong/Antos”, na kumikilos sa lugar ng Lawaan pababa sa Borongan City, Eastern Samar at ilang bahagi ng Western Samar.
Ayon kay PLtCol Dellezo, sa pamamagitan ng mas pinaigting na kampanya laban sa terorismo kasunod ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), tagumpay na nakumbinsi si Daisy na tumalikod sa armadong pakikibaka at nagpasyang maging produktibong miyembro ng lipunan.
Ang surrenderee ay nasa kustodiya na ngayon ng 2nd Eastern Samar PMFC para sa pagproseso sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integrations Program (E-CLIP).
Mensahe ni PLtCol Dellezo, “Ito ay isang hakbang lamang palapit sa pagkamit ng isang mapayapa at maunlad na bansa. Ang tagumpay na ito ay naaayon sa “Kapayapaan” security framework na M+K+K=K Program ni Chief PNP. Layunin nitong maabot ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez