Villaba, Leyte – Arestado ng Eastern Visayas PNP ang isang miyembro ng New People’s Army at Top 4 Most Wanted Person ng Davao De Oro (Provincial Level) sa Sitio Nulatulaan, Brgy. Hinabuyan, Villaba, Leyte noong Linggo, Mayo 15, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rodolfo Albotra Jr, Officer-in-Charge ng Intelligence Division, Regional Mobile Force Battalion at Provincial Intelligence Unit-Leyte Police Provincial Office ang naaresto na si Marvin Etol, 46, may standing Warrant of Arrest for Homicide at tatlong (3) counts ng Murder, squad leader ng Communist Terrorist Group at nagtago sa Brgy. Bagaobo, Villaba, Leyte.
Ayon kay PLtCol Albotra Jr, ang manhunt operation ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Celestial Gonzales ng Branch 57, Regional Trial Court taong 2020.
Ayon pa kay PLtCol Albotra Jr, nakumpiska sa suspek ang isang kalibre 38 revolver, labing tatlong piraso ng live ammunition, isang sling bag, tatlong cellular phone, isang wristwatch, isang gunting, isang pocket wifi at isang Voter’s Identification Card.
“Ako ay nagpapasalamat sa mabilis na koordinasyon sa mga pwersang panseguridad at sa komunidad na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto ng suspek. Hindi dapat gawing kanlungan ng mga miyembro ng NPA at mga kriminal ng ibang Rehiyon ang Silangang Visayas. Tandaan na ang ating tanggapan ay nagsasagawa ng walang humpay na operasyon laban sa kanila at sa iba pang lumalabag sa batas”, mensahe ni PLtCol Albotra Jr.
Ang Eastern Visayas PNP ay pananatilihin ang maayos na koordinasyon sa mga awtoridad mula sa iba pang Rehiyon dahil mahalaga rin ito sa pagtunton ng mga kriminal at rebelde.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez