Cagayan de Oro City – Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army sa kasong paglabag sa RA 10591 ng mga alagad ng batas nito lamang ika-10 ng Abril 2022.
Kinilala ni Commander Major General Wilbur Mamawag ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang suspek na si Aldeem Yañez.
Ayon kay Commander Major General Mamawag, naaresto si Yañez sa Urban Poor Village, Brgy. Iponan, Cagayan de Oro City ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operation Team-Police Regional Office 10; Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 10 at Task Force Oro ng 403rd Infantry Brigade.
Ayon pa kay MajGen Mamawag, ang naarestong suspek ay nagtatrabaho sa kilusan ng New People’s Army sa ideological, political at organizational (IPO) na mga gawain sa underground movement sa Saldav at Pantaron Range Complex sa probinsya ng Bukidnon, kasabay ng pangingikil sa urban areas ng Bukidnon at Misamis Oriental.
Dagdag pa ni MajGen Mamawag, na ang suspek ay naaresto sa bisa ng Search Warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakuha mula sa suspek ang isang caliber 45 pistol, dalawang hand grenade, dalawang bala ng 40mm, pekeng mga ID’s at dokumento.
Ang ating Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapatupad ng batas at patuloy na huhulihin ang sinumang lumabag upang magkaroon ng tahimik at mapayapang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10