Nueva Ecija – Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang lalaki na miyembro ng Milisyang Bayan sa mga tauhan ng Nueva Ecija sa Barangay Carmen, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Lunes, Marso 7, 2022.
Ayon kay Police Colonel Jess Mendez, Acting Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kinilala ang sumuko na si Alias Ka Jojo, tubong Licab, Nueva Ecija, kasalukuyang nakatira sa Barangay San Eustacio, Aliaga, Nueva Ecija.
Ayon pa kay Police Colonel Mendez, ang pagsuko ng nasabing miyembro ay naganap sa pakikipag-ugnayan ng 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang Police Intervention Unit- Nueva Ecija Police Provincial Office, 22 Special Action Company, 2nd Special Action Battalion Special Action Force, Zaragoza Police Station, Palayan City Police Station, Gapan City Police Station, Llanealra Police Station, San Isidro Police Station, Criminal Investigation Detection Group Provincial Force Unit Nueva Ecija, Regional Intelligence Division 3, Alpha Company 91st Infantry Battalion Philippine Army, 71st MICO at 703rd Brigade Philippine Army.
Dagdag pa ni Police Colonel Mendez, isinuko din ng nasabing miyembro ang isang improvised shotgun, 12 gauge shot gun na walang serial number at isang magazine na may apat na bala.
Samantala, hinikayat ni Police Colonel Go ang mga mamamayan na huwag magpalinlang sa mga magagandang plataporma ng mga terorismo dahil ang totoong tahimik at maayos na pamumuhay ay sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikipagtulungan sa gobyerno.
###