Timbog ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kabilang sa listahan ng High Value Target matapos mahulihan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Narra, Barangay Numo, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang Oktubre 1, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Teody S Centina, Officer-In-Charge ng Esperanza Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sal”, 42 anyos, walang asawa, vendor at residente ng Crossing, Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao Del Sur.
Bandang 8:20 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Esperanza MPS (lead unit), SK PDEA, RSOG 12, 3rd Platoon 1202nd Maneuver Coy RMFB12, 2nd SKPMFC at PDEA.
Nasamsam sa operasyon ang kabuuang tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu na may halaga na Php21,760, sling bag, mga IDs, isang yunit ng cellphone at isang Php1,000 bill bilang buy-bust money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa sekyon 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Samantala, patuloy ang buong hanay ng PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.