Quezon City – Timbog ang isang miyembro ng Dimaano Drug Group sa buy-bust ng Quezon City PNP nito lamang Sabado, Marso 19, 2022.
Kinilala ni PBGen Remus Medina, District Director ng QCPD ang suspek na si Alfred Jerome Sitchon alias “Jerome Dimaano”/”Ping”, 24, at residente ng Ilalim ng Tulay, Brgy. Balon Baton, Quezon City.
Ayon kay PBGen Medina, si Sitchon ay isang miyembro ng Dimaano Drug Group, isang notoryus na sindikatong grupo na nasa likod ng paglaganap ng droga sa lungsod ng Quezon at kalapit nitong lugar.
Ayon pa kay PBGen Medina, dakong 12:30 ng tanghali naaresto ang suspek sa East Service Road, Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City sa pinagsanib puwersa ng Talipapa Police Station 3 at Philippine Drug Enforcement Agency-NCR (PDEA-NCR).
Aniya pa ni PBGen Medina, nakumpiska mula sa suspek ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000.
Dagdag pa niya, nakumpiska din kay Sitchon ang isang cellphone, isang digital weighing scale, at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng Art ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Pinupuri ko ang ginawang operasyon ng mga operatiba ng PS 3. Ang ganitong kampanya laban sa ilegal na droga ay malaking kontribusyon upang mabawasan ang paglaganap ng ilegal na droga dito sa ating lungsod. Makakaasa kayo na buo ang aking suporta sa lahat ng inyong trabaho laban sa mga ilegal na mga gawain”, ani ni PBGen Medina.
###
Mabuhay galing ng mga kapulisan