Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah (Maute Group) kasama ang kanyang mga armas sa mga tauhan ng 4th Platoon Patrol Base ng 1st Provincial Mobile Force Company – Lanao del Norte nito lamang ika-4 ng Oktubre 2024 sa Barangay Tambo, Munai, Lanao del Norte.
Kinilala ang boluntaryong sumuko na si alyas “Abu-Jayyid/Abu-Imran”, 19 taong gulang na residente ng Lininding, Munai, Lanao del Norte na kasama sa PST Listed at aktibong miyembro ng Dawlah Islamiyah (Maute Group) bilang isang rifleman.
Ang boluntaryong pagsuko ng miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI Member) ay sa tulong ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Lanao del Norte Police Provincial Office; Provincial Intelligence Unit; Police Community Affairs and Development Unit; 1005th MC ng Regional Mobile Force Battalion 10; DI MAPIO at National Intelligence Coordinating Agency 10.
Kasabay ng boluntaryong pagsuko ni alyas “Abu-Jayyid/Abu-Imran” ang pag-surrender din ng kanyang mga armas na Colt AR-15 Property of US Government; isang Cal 5.56mm na may serial number 867786 na may steel magazine at 19 na bala ng 5.56mm.
Nagbigay naman ng mensahe si PBGen Jaysen C De Guzman, Acting Regional Director ng PRO 10, sa mga natitirang miyembro pa ng LTGs sa Rehiyon 10, “We always continue to encourage other members of armed groups to lay down their arms and join the government’s effort for peaceful resolution and reintegration. Again, anyone who wishes to surrender to the folds of the law is always welcome,” saad niya.