Thursday, November 28, 2024

Miyembro ng CTG, sumuko sa Sarangani Province

Sarangani Province – Tinalikuran na ng isang indibidwal ang maling gawain at adhikain ng Communist Terrorist Group ng Unit Militia, kung saan sumuko na ito sa mga alagad ng batas sa probinsya ng Sarangani noong Agosto 4, 2022.

Kinilala ni PCol Jomar Alexis Yap, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 12 (RMFB12) ang Former Rebel na si Alyas “Bimbim”, 25, walang asawa, magsasaka at residente ng Barangay Lumasal, Maasim, Sarangani Province at dating miyembro ng Central Musa, Guerilla Front-73, Far Southern Mindanao Region, NPA.

Ayon kay PCol Yap, resulta ng isinagawang operasyon sa Major Internal Security Operation OPLAN “PAGSUKO”, kaugnay sa E.O. 70 series of 2018 (NTF-ELCAC) at Campaign Plan “Kapanatagan” sa pangunguna ng Maitum Municipal Police Station, Sarangani Provincial Mobile Force Company at Bravo Coy ng 38th Infantry Battalion, Philippine Army, 1204th MC, RMFB 12 sa ilalim ng pangangasiwa ni PBGen Alexander Tagum, Regional Director ng PRO12, kaya sumuko at namulat sa katotohanan si Alyas “Bimbim”.

Ayon pa kay PCol Yap, isinuko rin ni “Bimbim” ang armas nitong pandigma na isang yunit ng homemade 12-gauge shotgun na walang kaukulang serial number.

“Biktima rin po kami ng mga karahasan, kasinungalingan at panlilinlang ng CPP-NPA. Gusto na rin po naming magbagong buhay na mapayapa kaya po ako sumuko ,” ani “Bimbim”.

Tiniyak naman ng mga alagad ng batas na tutulungan nila ito upang mamuhay ng tahimik at mapayapa kasama ang mga mahal nito sa buhay at pamilya.

Hinihikayat naman ni PCol Yap, ang mga miyembro at pinuno ng mga komunistang grupo na magbalik-loob na sa ating gobyerno habang maaga pa upang makamit ang tunay na kapayapaan dahil hindi titigil ang kapulisan ng Rehiyong 12 hanggat hindi nakakamit ang kapayapaang nais para sa lahat.

###

Panulat ni Patrolman Kherwin Jay Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles