Sunday, October 6, 2024

Miyembro ng CTG, sumuko sa pamahalaan

Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo sa mga otoridad sa La Trinidad, Benguet nito lamang ika-1 ng Hulyo 2024.

Kinilala ni Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang rebelde na si alyas “Boboy”, 44 anyos, may-asawa, construction worker at magsasaka, residente ng Sallapadan, Abra at miyembro ng Milisya ng Bayan/NPA sa Baryo sa ilalim ng Weakened Kilusang Larangang Gerilya (WKLG).

Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng kanyang mga armas na isang kalibre 38 na walang serial number at may anim na bala, tatlong piraso ng inert blasting cap, at dalawang stick dynamite (commercial).

Ayon kay PCol Bayongasan, ang matagumpay na pagbabalik-loob ay bunga ng puspusang pagsisikap ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit/Philippine Drug Enforcement Unit – Benguet, La Trinidad MPS, RID-CAR, Regional Intelligence Division 14, Regional Explosive Canine Unit-CAR, Criminal Investigation and Detection Group -BPFU, 5th Infantry Division at Philippine Army.

Muli namang nanawagan si PCol Bayongasan sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan upang muling mamuhay ng payapa at nang makapagsimula ulit kasama ang kanilang pamilya.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,270SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles