Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Purok 2B, Barangay Malayanan, San Fernando, Bukidnon nito lamang Mayo 18, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Lontac Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang sumuko na si alyas “Alex”, 49, may asawa, magsasaka, residente ng Purok 2B , Barangay Malayanan, San Fernando, Bukidnon; miyembro ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng Militia ng Bayan at UGMO member (KASAMA Bukidnon) under GF Mayag.
Ang kanyang pagsuko ay resulta ng patuloy na panawagan at negosasyon ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya ng San Fernando Municipal Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Layunin ng mga CTG surrenderee ay nag-uugat sa kanilang paghahangad ng mas ligtas at mas maayos na buhay, at pagnanais na maging bahagi ng isang mas maunlad at mapayapang komunidad.
Panulat ni Pat Jovelyn J Dodoso