Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. 8, Pambujan, Northern Samar nitong Miyerkules, Enero 10, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar PMFC ang sumuko na si alyas “Taloktok”, 36 anyos, at isang magsasaka.
Ang kanyang pagsuko ay resulta ng patuloy na panawagan at negosasyon ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, kasama ang 803rd Regional Mobile Force Battalion 8 at 19 Infantry Battalion, Philippine Army.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya ng 2nd Northern Samar PMFC para sa facilitation at assessment bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang makasamang muli ang kanilang mga mahal sa buhay at mamuhay ng payapa.