Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Osmeña, Catubig, Northern Samar, nito lamang ika-2 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director ng Northern Samar Police Provincial Office, ang sumuko na si alyas Aica, Non PSRTG Listed, miyembro ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng FC-1, SRC EMPORIUM, Eastern Visayas Regional Party Committee.
Ang kanyang pagsuko ay resulta ng patuloy na panawagan at negosasyon ng mga tauhan ng Northern Samar Provincial Intelligence Team, 803rd MC, Regional Mobile Force Company 8, 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company at 122SAC, 12SAB PNP, Special Action Force.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya ng Northern Samar Provincial Intelligence Team para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang makasamang muli ang kanilang mga mahal sa buhay at mamuhay ng payapa.
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi