Ilocos Sur – Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at kusang nagbalik-loob ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa kapulisan ng Gregorio Del Pilar Municipal Police Station sa Brgy. Dapdappig, Gregorio del Pilar, Ilocos Sur nito lamang ika-24 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Captain Jake Bryan Riberal, Officer-In-Charge, ang sumuko na si “Conrado”, 69, magsasaka at residente ng Barangay Dapdappig, Gregorio Del Pilar, Ilocos Sur at naging miyembro ng NPA sa ilalim ng Alfredo Cesar Command.
Nakatanggap si alyas “Conrado” ng agarang tulong pinansyal at grocery packs mula sa pulisya at ngayon siya ay nasa ilalim ng kustodiya ng Gregorio Del Pilar Municipal Police Station para sa facilitation at assessment upang mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan (E-CLIP).
Ang pagbabalik-loob ni alyas “Conrado” ay isang representasyon na ang mga programa ng gobyerno sa pagwawakas ng armadong pakikibaka ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na bansa.
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul