Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Bil-loca, City of Batac, Ilocos Norte nito lamang ika-1 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jason R Batuyong, Officer-In-Charge ng Batac City Police Station, ang sumuko na si alyas “Ronnie”, 50 at residente ng Barangay Naguirangan, City of Batac, Ilocos Norte.

Kasabay ng kaniyang pagbabalik-loob ang pagsuko ng kanyang armas na ginamit sa pakikibaka at nangako na hindi na muling babalik pa sa makakabilang grupo upang mapabilang sa programa ng pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Sa ilalim ng programa ng ating gobyerno na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group na magbalik-loob sa pamahalaan at makiisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.