Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group at kusang-loob na isinuko ang kanyang baril sa mga tauhan ng 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company, Diarabasin Base, Barangay Diarabasin Dipaculao, Aurora nito lamang Miyerkules, ika-9 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Major Rammel Ebarle, Officer-In-Charge, 2nd Aurora PMFC, ang sumuko na si alias “Ka-Val”, 59 anyos, at residente ng Barangay Diarabasin Dipaculao, Aurora.
Nabatid na ang sumuko ay dating miyembro ng Aurora Party Committee under Domingo Erlano Command, na nag-ooperate sa Central Aurora.
Matagumpay ang pagbabalik-loob sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng 2nd Aurora PMFC kasama ang PIU-APPO, RIU 3, Dinalungan MPS, Casiguran MPS, Dilasag MPS, Dipaculao MPS, CIDG-Aurora, PFU, 91st IB Bravo Company PA, NISU-16 and Maritime Law Enforcement Team-Casiguran.
Samantala, kasabay ng pagbabalik-loob nito ay isinuko ang isang improvised firearm.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Aurora 2nd PMFC
Panulat ni Patrolwoman Marimar J Junio