Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga tauhan ng 903rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9 katuwang ang Malangas Municipal Police Station sa Purok 3 Barangay Boyugan West Kumalarang, Zamboanga del Sur nito lamang ika-20 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Nicko Czar G Magnaye, Company Leader ng 903rd MC RMFB9, ang nagbalik-loob na si alyas “Florendo”, 58 anyos, lalaki at residente ng naturang lugar.
Ang sumuko ay dating miyembro ng CPP-NPA Gerilyang Yunit Pangubatan (GYP) sa ilalim ng GC BBC WMPRC sa Dumingag Zamboanga del Sur at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.

Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob ay boluntaryong isinurender rin nito ang isang unit ng .38 revolver at dalawang bala.
Agad naman itong nakatanggap ng tulong pinansyal at isang sakong bigas.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco