Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga kapulisan ng 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company sa Barangay Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur nito lamang ika- 23 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Homer T Dumalag, Officer-In-Charge ng 1st ZNPMFC, ang sumuko na si alyas “Eddie”, 34 anyos, magsasaka at residente ng Purok 1 Barangay Site Dapiwak Dumingag, Zamboanga del Sur.
Ang sumuko ay dating miyembro at tigpaniktik ng Hingpit Nga Organisadong Masa sa ilalim ng GF-BBC WMRPC at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman itong nakatanggap ng isang sakong bigas mula sa pulisya.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Marcos na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco