Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga personahe ng 1st Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company kasama ang Revitalized Police Sa Barangay nito lamang ika- 29 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joseph R Maulad, Force Commander, 1st ZNPMFC, ang sumuko na si alyas “Insek” at residente ng Barangay Tinago Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte.
Si alyas “Insek” ay dating miyembro ng Yunit Militia/Militia ng Bayan at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Marcos na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco