Masbate – Sumuko ng kusa ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga kapulisan ng Masbate noong Miyerkules, Marso 2, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jonnel Estomo, Regional Director ng Police Regional Office 5 ang sumuko na si Marita Arriesgado Abiertas alyas “Marita”, 54, balo, empleyado ng LGU (Job Order), residente ng Barangay Poblacion, Pio V. Corpus, Masbate.
Ayon pa kay Police Brigadier General Estomo, si Marita ay recruit ng isang “Ka Ruben” at “Ka Rose” sa Barangay Tawad, Esperanza, Masbate taong 2009 at naging miyembro rin ng Mass Courses ng Kanditatong Kasapi (KAKA), CTG (Non-PSR Listed), Milisya ng Bayan L2, KP4 sa ilalim ng COMPROB ni Rogelio Suson alyas “Ka Manong” na nag-ooperate sa 3rd District ng Masbate.
Dagdag pa ni Police Brigadier General Estomo, dakong 9:00 ng umaga nang sumuko ang nabanggit na miyembro ng CTG sa mga tauhan ng Pio V. Corpus Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company, Masbate Provincial Police Office, Provincial Intelligence Team-Regional Intelligence Unit 5 at IOS FIID PNP-SAF.
Nakumpirma na ang sumuko ay runner at collector ng campaign money at revolutionary taxes sa loob ng munisipalidad ng Pio V. Corpus at tagahatid ng mga suplay at suportang pinansyal sa mga rebeldeng NPA na nakabase sa Brgy. Tawad at Brgy. Baras, Esperanza, Masbate.
Hinihikayat ng Pambansang Pulisya ang mga mamamayan na huwag magpalinlang sa mga tamis na pangako ng mga rebeldeng grupo dahil ang totoong tahimik at maayos na buhay ay nasa pakikiisa at pakikipagtulungan sa gobyerno.
###
Panulat ni Patrolman Prince Ruming Danao, RPCADU 5
Sana lahat sumuko na..salamat sa PNP