Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group at isinuko ang kanyang baril sa Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company sa Sitio Magtagangki, Barangay Bagong Silang Labo, Camarines Norte nito lamang ika-5 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Chito B Macaspac, Force Commander ng Camarines Norte 2nd PMFC, ang sumuko na si alyas “Ka-Toti”, nasa hustong gulang, may kinakasama, isang magsasaka, at residente ng bayan ng Paracale, Camarines Norte.
Si “Ka Toti” ay isang kilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ni Jaime Velasco, alyas “Ka Senen” ng LP1 KP1 ng Armando Catapia Command na nag-ooperate sa mga bayan ng Labo, Capalonga, at Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ang pagbabalik-loob nito ay sa pagtutulungan ng Camarines Norte 2nd PMFC katuwang ang mga tauhan ng Labo MPS, PIU, NICA5, 16th IB, PA, 9th IB, CAA, 91st SAC, at ang pangkat ng RPSB Team 4 mula sa Barangay Exciban at Barangay Bagong Silang I, Labo, Camarines Norte.
Isinuko din nito ang kanyang mga armas na ginamit sa pakikibaka kabilang ang isang (1) unit ng caliber .38 revolver na walang trademark at serial number, anim (6) na pirasong bala para sa nasabing baril, tatlong (3) pirasong pulang detonating cord, tatlong (3) piraso ng blasting caps, at dalawang (2) piraso ng komersyal na dinamita na kilala bilang “bigas-bigas.”
Layunin ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na sugpuin ang insurhensiya sa bansa. Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group na magbalik-loob sa pamahalaan at samatanlahin ang programa nitong ECLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang bagong Pilipinas.
Source: Labo Mps Cnppo
Panulat ni Pat Rodel Grecia