Boluntaryong nagbalik-loob sa Bulacan PNP ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camp Alejo S Santos, Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-16 ng Mayo 2025.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Colonel Franklin P Estoro, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, kasama ang mga tauhan ng 1st Platoon, Bulacan 1st PMFC, Bulacan PIU, 301st MC RMFB, 70IB PA at Malolos CPS.
Kinilala ang nasabing surenderee na si “Ka Ruby”, 42 anyos, isang housewife, tagasuporta at dating miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), isang armadong grupo na kilusang komunista na gumagalaw sa mga baybaying bahagi ng Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.

Kasabay ng kanyang pagsuko, ay ang pagturn-over ng isang caliber 38. revolver na baril na walang serial number at tatlong piraso ng bala.
Patuloy na isinusulong ng PNP ang mapayapang pagbabalik-loob ng mga dating rebelde sa lipunan bilang bahagi ng pagsisikap na makamit ang pangmatagalang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Marimar Junio