Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa himpilan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa Barangay Tinabanan, Marabut, Samar nito lamang Hunyo 1, 2024.
Kinilala ni Police Captain Faith Y Aseo, Officer-In-Charge ng 805th Maneuver Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Wendi”, 26 taong gulang, at residente ng Sitio San Roque, Barangay Tinabanan, Marabut, Samar at miyembro ng CTG, Squad 1, NILA Platoon, SRGU Bugsok Platoon, SRC-SESAME.
Ayon kay PCpt Aseo, ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na negosasyon ng mga tauhan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang Area Police Command-Visayas, Provincial Intelligence Team Samar, Regional Intelligence Unit 8, 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, Marabut Municipal Police Station, PNP IG ISOD at IOS-FIID-SAF.
Samantala, isinuko rin nito ang isang homemade na Caliber .38 revolver na walang marka at serial number.
Agad namang nakatanggap si alyas Wendi ng tulong pinansyal at food packs mula sa kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya ng 805th MC, RMFB 8 para sa facilitation at assessment ng kanyang posibleng enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan.
Hinihikayat ng ating mga awtoridad ang mga natitirang kasapi at taga-suporta ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa iisang layunin na labanan ang insurhensiya at terorismo para sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Camberleigh D Flores