Friday, April 25, 2025

Miyembro ng “Concepcion Criminal Group”, huli

Huli ang isang (1) miyembro ng Concepcion Criminal Group na “Most Wanted” dahil sa kasong “murder” at “frustrated murder” sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Montana, Tanauan City, Batangas noong Nobyembre 3, 2021 ng hapon.

Naaresto sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Police Intelligence Unit (PIU) – Albay Police Provincial Office (PPO); Tanauan City Police Station (CPS) katuwang ang 403rd AMC, RMFB4A, at Libon MPS sa bisa ng “Warrant of Arest” na inilabas ng korte sa kasong pagpatay o murder at pagtangkang pagpatay o frustrated murder noong Marso 1, 2016.

Nakilala ang suspek na si “Jaime”, 72 taong gulang, residente ng Brgy. Bariw, Libon, Albay, miyembro ng noturyus na Concepcion Criminal Group na sangkot sa iba’t ibang krimen at mga iligal na gawain sa Bicol at kalapit nitong lugar.

Batay sa record, ang naarestong suspek ay isa sa mga suspek sa pamamaslang sa bayan ng Libon, Albay noong taong 2016. Maaaring tuluyan ng tumanda sa kulungan ang akusado sapagkat walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong “Murder” at nagkakahalaga ng Php180,000 naman sa kasong “Frustrated Murder”.

Pinuri ni PD, Albay PPO PCol Arnold C Santiago ang lahat ng yunit ng nasa likod ng matagumpay na operasyong ito.

Source: Albay PPO

#####

Panulat ni: Patrolwoman Shiear “Kye” V Ignacio

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,520SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles