Leyte – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa pinaigting na mga operasyon ng PNP laban sa CPP-NPA-NDF sa Brgy. 104, Salvacion, Tacloban City nito lamang Huwebes, Setyembre 21, 2023.
Kinilala ni Police Captain Gennie Ann R Tualla, Officer-In-Charge ng 805th Maneuver Company ang sumuko na si alyas “Ka Joey”, isang non-PSR listed at nakatanggap rin siya ng agarang tulong na isang sakong bigas, food packs, at tulong pinansyal mula sa kapulisan.
Ang kanyang pagsuko ay bunga ng patuloy na pagpapatupad ng Executive Order No. 70 kaugnay sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Program ng Pamahalaan at DILG-DND JMC No. 2018-01.
Si “Ka Joey” ay dinala sa opisina ng 805th Maneuver Company para sa booking at tamang dokumentasyon, habang nakabinbin ang kanyang aplikasyon para maka-avail ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Samantala, humihingi naman ng suporta ang kapulisan sa publiko para labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang miyembro ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan, mamuhay ng mapayapa at makiisa sa mga programa ng gobyerno tungo sa pangmatagalang kapayapaan at pagiging progresibo ng ating bansa.