Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Pelaon, Pinabacdao, Samar nito lamang ika-29 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Vitaliano D Galban, Officer-In-Charge ng Pinabacdao Municipal Police Station, ang nagbalik-loob na si alyas “Rod-rod”, 33 anyos at residente ng Barangay Pelaon, Pinabacdao, Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng Pinabacdao Municipal Police Station kasama ang 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at grocery items mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng Pinabacdao MPS para sa facilitation ng kanyang pagsasailalim sa programa ng ating pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makasama ang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian