Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Amantillo, Marabut, Samar nito lamang Nobyembre 23, 2024.
Kinilala Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Enorio”, 54 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Tatabonan, Talalora, Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pagsisikap at pakikipagnegosasyon ng pinagsamang mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company at Regional Intelligence Unit 8 kasama ang 34th Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, Intelligence Operation Section – Force Intelligence Investigation Division, PNP-SAF, Internal Security Operation Division at 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Samar PMFC para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makasama ang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian