Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Calachuci Catarman, Northern Samar nito lamang Marso 22, 2025.
Kinilala ni Police Major Berniede L Magamay, Officer-In-Charge ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Nitoy”, 24 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Cervantes Catarman, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Catarman Municipal Police Station.
Isinuko rin ng nagbalik-loob ang isang yunit caliber .45 pistol, isang magasin at tatlong bala.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 1st Northern Samar PMFC para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy pa rin ang panawagan ng Pambansang Pulisya na magbalik-loob na ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs upang makapiling muli ang kanilang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating pamahalaan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian