Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Imelda, Mondragon, Northern Samar nito lamang Enero 12, 2025.
Kinilala ni Police Captain Solomon A Agayso, Officer-In-Charge ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Tiger”, 25 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Cal-igang, Catarman, Northern Samar at miyembro ng Squad 1, SRGU, FC2, SRC EMPORIUM, EVRPC.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, 32nd Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF, Mondragon Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8 at 43rd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 803rd Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy pa rin ang panawagan ng Pambansang Pulisya na magbalik-loob na ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs upang makapiling muli ang kanilang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating pamahalaan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian