Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa himpilan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa Barangay 8 Poblacion, Pambujan, Northern Samar nito lamang Enero 06, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Rubin”, 30 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Ynaguinayan, Pambujan, Northern Samar at miyembro ng Squad 1, SRGU, SRC EMPORIUM.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang 19th Infantry Battalion, Philippine Army at 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang Basic Assault Rifle M16 Elisco, isang magasin at 19 na bala.
Ang dating miyembro ng CTG ay nasa kustodiya na ng 2nd Northern Samar PMFC para sa dokumentasyon at facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makasama ang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian