Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Urdaneta, Lavezares, Northern Samar nito lamang ika-03 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Mark Mhon T Amistoso, Officer-In-Charge ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Meyo”, 57 anyos at residente ng Barangay Enriqueta, Lavezares, Northern Samar.
Ang matagumpay na pagbabalik-loob ay resulta ng panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang Lavezares Municipal Police Station, 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8, PNP Intelligence Group, Internal Security Operation Division, 35th Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF, Northern Samar Provincial EOD and Canine Unit, Maritime Law Enforcement Team Northern Samar at Northern Samar Provincial Highway Patrol Team – Regional Highway Patrol Unit 8.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at grocery items mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 804th Maneuver Company, RMFB 8 para sa dokumentasyon at facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o Local Social Integration Program.
Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makasama ang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian