Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa himpilan ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa Barangay Imelda, Mondragon, Northern Samar nito lamang Marso 22, 2025.
Kinilala ni Police Captain Solomon A Agayso, Officer-In-Charge ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Carding”, 27 anyos, magsasaka, at residente ng Barangay Eduran, Bobon, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, Mondragon Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8 at 43rd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 803rd Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy na nananawagan ang Pambansang Pulisya sa mamamayan na makiisa at makipagtulungan upang labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan, magbagong buhay kasama ang pamilya at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian